CHAPTER 14
"Let's eat together later, Nicz!", nakabuntot na sabi ni Beau sa kanya.
Galing sila sa dishwashing area para kumuha ng mga nahugasan ng cutleries na pinaggamitan ng mga guests kanina.
"May-dala akong baon Beau. Pinagluto ako ni Mama kanina dahil day-off niya.", sabi niya dito at naglakad na pabalik sa service counter.Têxt © NôvelDrama.Org.
Simula nong nakilala niya si Beau hanggang ngayon ay mas nagkalapit pa silang dalawa. Paanong hindi, eh halos araw-araw na niya itong kasama maliban na lang pag day-off nila.
Tulad kasi ngayon, palagi itong nag-aaya na makasabay siyang kumain. Pareho naman kasi sila ng schedule kaya kasabay niya din ito pag break-time na.
Gusto niya mang sumama kay Beau ay tatanggihan na niya ito ngayon. Paano ba kasi palagi nalang itong kumakain sa mamahaling restaurant tapos ililibre pa siya. Nakakahiya kaya! Mas mahal pa ang kinakain nila kaysa sa sinasahod nila
araw-araw.
Mag aalas dos na nang hapon at tapos na ang peak hour kung kailan dumudumog ang mga guest nila. Usually kasi mga 11 AM to 1 PM pumapasok at nag-oorder ang mga guest dito sa FN Lewis Restaurant kaya yan din ang oras ng babakan nila.
Pero hanggang ngayon ay meron pa din naman silang mga guest pero kaunti nalang at ang ibang kasamahan niyang waitress na ang bahala doon.
"Ilagay mo na dito yan dali! Para matapos na 'to at makapag-break na tayo. Gutom nako, Beau!", sambit niya kay Beau na syang may dala ng mga cutleries.
Linagay naman nito ang mga ito sa counter at nagsimula na silang mag punas sa mga ito. 2PM kasi ang breaktime nila ni Beau at nagugutom na siya kaya nagmamadali na siyang matapos ang mga ito.
Sanay na naman talaga siyang late na kumain lalo na sa field nila, kasi nga mas inuuna pa nila ang mga guest nila kaysa sa sarili nila kaso hindi kasi siya kumain ng breakfast kanina kaya kumakalam na ang sikmura niya. "Marami ba ang baon mo?", tanong ni Beau habang nasa tabi niya, nagpupunas din katulad niya.
Hanggang ngayon talaga ay hindi niya parin maintindihan kung bakit nagtatrabaho pa ito. Sigurado na siya na mayaman ito, pero tignan mo, nasa tabi nya 'kay laking tao, ang tikas-tikas ng katawan, at ang gwapong-gwapo tapos nagpupunas lang ng kutsara't tinidor? Napaka-humble nga naman talaga, nahiya naman ako!
"Ba't mo ba tinatanong? Don't tell me manghihingi ka? Ay nako! Wag na lang Beau. For sure hindi kakain non noh!"
Tortang talong at humbang-baboy lang ang ulam niya. Gusto niya mang magbigay dito ay nahihiya naman siya at baka hindi naman ito kumakain ng mga ganoon. Puro salad, pasta, at rib-eye kaya ang mga nakikita niyang kinakain ni Beau eh. Nakakahiya kaya sa mga RK diyan!
"What's your baon ba kasi?!", tanong nito na halos hindi maipinta ang mukha. Naku-cute-tan si Nicolah sa pagmumukha at sa pagka-slang ni Beau kaya hindi niya maiwasan ang matawa.
Ngunit naitikom niya ang bibig niya ng may nagsalita sa likod nila.
"Please lower your voice! We are still in operation, baka nakakalimutan niyo.", strikto at maawtoridad na sambit nito.
Nanlalaki ang mata niya nang mapagtanto kung sino iyon. Dahan-dahan niya itong hinarap at nakita niya ang galit na expression sa mukha nito. Napaiwas siya ng tingin dahil sa diin nang titig nito sa kanya ay para bang gusto siyang katayin nito. "Sorry, Chef."
"Sorry, S-sir.", sabay na hinging-tawad nila ni Beau dito.
Napayuko nalang siya at napanguso sa kahihiyan. Ayan Nicz, tawa pa more!
Simula nong gabing nadapa siya sa stock room ay kinabukasan no'n ay bumalik na ito sa palaging pagbibisita dito sa restaurant niya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Sinusubukan palagi ni Nicolah na iwaksi ang mga nakakalitung nararamdaman niya pati na din ang awkwardness sa pagitan nila lalo na at palagi niya na itong nakikita at hindi maiwasang makakasalamuha dahil nga sa trabaho niya. Nagpapasalamat naman siya na kaswal naman ang pakikitungo nito sa kanya, kaya naging kaswal din ang tungo nya dito ngunit nando'n pa din ang respeto niya dito bilang amo.
"Farrah, please come to my office after your break.", diretsong sabi nito sa mga mata niya bago umalis doon.
Naghihinang napasandal si Nicolah sa service counter at pinakawalan ang nahugot niyang hininga, "Patay ako nito, Beau.", parang nanlulumong sabi niya.
"Your fault, not mine. Why did you laugh anyway. Haha", nangungutyang sambit ni Beau sa kanya. Mahina itong tumatawa kaya pinandilatan niya bago inihilamos ang mga palad niya sa sariling mukha. Naghuhurumintado na ang puso ni Nicolah sa kaba. Kinakabahan siya dahil for sure na mapapagalitan siya ngunit mas kinakabahan siya dahil alam niyang sila lang dalawa ang mag-uusap mamaya. Flynn Noah
****
Nasa opisina ngayon si Flynn, nakaupo sa swivel chair at hinihilot ang kanyang batok. Kanina pa nag-iinit ang dugo niya ng dahil kay Farrah. Paano ba kasi, nakita niya na naman itong masayang tumatawa kasama si Beau kanina. Mahigit isang buwan na simula no'ng gabing nasaksihan niyang umiyak si Farrah. Alam niyang hindi iyon dahil sa pagkakadapa nito, at iyong puwing na ginawang rason nito. Nararamdaman niyang may iba pa itong dahilan at iyon ang hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya.
Simula din nong gabing iyon ay napag-isipan niya nang bumalik na sa restaurant niya. Bago pa kasi nangyari ang gabing iyon ay isang linggo din siyang hindi pumupunta sa restaurant niya.
Gusto niya kasi sanang layuan ang dalaga simula nong may nagyari sa kanila sa opisina niya. Natatakot siyang harapin ito dahil baka iba ang isipin ng dalaga sa kanya. Natatakot siya na baka nabastos niya ang dalaga at aayaw na nga ito sa kanya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Ngunit alam niya na hindi naman solusyon ang pag-iiwas niya dito. Alam niyang ang harapin at kausapin ito patungkol sa nangyari sa kanila ang tanging solusyon sa problemang ito.
Gusto niyang daha-dahanin muna ang dalaga kaya nga kaswal ang pakikitungo niya dito simula nang bumalik na siya sa pagpasok ulit sa restaurant niya.
Ngunit, minsan kapag nakikita niya si Farrah na kasama ang Beau na iyon ay hindi niya mapigilang mairita. Palagi kasi itong magkasama at parang ang lapit-lapit pa ng dalawa. Kung hindi pa nga siguro niya narinig sa mga sabi-sabi ng mga trabahante niya na wala naman daw relasyon ang dalawa ay baka mapagkamalan na niya itong mag nobyo't nobya.
Kaya din hindi na niya na napigilan ang sarili kaninang pagsabihan ang mga ito. Hindi naman gaano kalakas ang tawa ni Farrah ngunit iyong nalang ang idinahilan niya.
Hindi niya alam kung bakit gusto niyang siya ang nasa posisyon ng lalaking iyon. Gusto niyang siya ang palagi nitong kasama at wala ng iba. Gusto niyang siya lang ang maging dahilan ng pagkaganda-gandang tawa ni Farrah. Pero anong bang nagyayari sa kanya? Ano bang karapatan niya? Ba't niya ba ipagdadamot ang dalaga? Nahuhulog na ba ang loob niya sa kanya?
Pero ang tanong, nahuhulog pa ba nga ba? O nahulog na talaga?
Iyan ang pinakamalaking katanungan niya sa isipan niya.
What is that you're feeling, Flynn?
To be continued....