CHAPTER 13
Farrah Nicola
Ang kaninang mariing nakapikit na mga mata ni Nicola ay nanlalaki na ngayon. Namumula na sa init ang mga pisngi niya ng makitang mariing nakatitig si Mr. Lewis sa gitna ng hindi niya namamalayang nakabukaka niya na palang mga hita. Gusto niyang kastiguhin ang sarili dahil sa katangahan. Baka isipin pa tuloy ni Mr. Lewis na inaakit niya ito.
Dahil sa kahihiyan ay dahan-dahan niyang isinara ang mga hita niya. Habang si Mr. Lewis naman ay malakas na napabuntong-hininga at napahilamos nalang ng mukha gamit ang sarili nitong mga palad.
Ba't parang siya pa 'yong nasasaktan? Hindi naman siya ang nadapa ah?
"I'm sorry. I just can't resist watching it Farrah.", sinserong sambit nito sa likod ng mga mapupungay nitong mga mata.
Ano daw? Hindi mapigilan tignan?! Ang ano? Waaah!!! Nicz, nakakahiya ka!
Mas lalong ginapangan ng hiya si Nicolah dahil sa sinabi nito. Ngunit, ang hindi niya maintindihan ay imbes na magalit at mabastos siya, tulad ng normal na reaksyon ng mga kababaihan, kabaliktaran no'n ang naramdaman niya. Instead, she was turned on.
Urghhh Nicz! Ano bang nangayayari sayong babae ka! Hindi ka naman ganyan dati ah?!
"O-okay lang po.", nahihiyang sabi niya at hindi makatingin sa mga mata nito, "Dapat po ay ako ang mag-sorry. Baka isipin mo po inaakit po kita s-sir. Hindi po ah."
His forehead creased, "Huh! You just don't know Farrah. Kahit hindi mo pa gawin iyon naakit naman talaga ako sa'yo.", he said almost in a whisper that is why she didn't hear it much.
"Ano p-po?", naguguluhan niyang tanong dito.
Umiwas ng tingin si Mr. Lewis, "Nothing. Ang sabi ko simulan na natin ang pag-treat ng sugat mo para matapos na 'to.", malamig na wika nito.
O, ba't parang nag-iba ang mood mo sir? Wag po ganyan! Nakakatakot po..
"Hindi mo naman po kailangan gawin yan sir, kaya ko naman po. Pero salamat na din po ah."
Nahihiya talaga siya kay Mr. Lewis. Di na naman nito kailangan gawin ito eh, hindi naman masyadong malaki ang sugat niya.
Tumingin ito sa kanya na magkasalubong ang kilay, "Can you stop saying po? Parang ang tanda-tanda ko na dahil sa pag po "po" mo sa'kin.", supladong sabi nito tapos ay lumapit na ito sa may tuhod niya at hinawakan iyon, "At gagamutin ko 'to sa ayaw at sa gusto mo."
"Aw, sorry po ay sir. Nasanay lang po ay sir pala. Salamat, sir.", nakangusong sabi niya at hinayaan niya nalang itong gamutin ang sugat niya.
Nagsimula nang maglinis si Mr. Lewis ng sugat niya ng marinig niya itong parang nagsasalita, "Ah basta, just cut the formality. Para namang walang nangyari sa'tin.", mahinang sabi nito nang hindi nakatangin sa kanya.
Hindi iyon nakalusot sa pandinig niya kaya nakagat niya nalang ang gilid ng labi niya. Awkward~
Tumikhim si Nicola at nanahimik na lang, na-iilang siya at hindi niya alam kung bakit parang tinatambol ang puso niya.
Habang seryoso naman nitong ginagamot ang sugat niya ay hindi niya maiwasang tignan ang gwapo nitong mukha. Iniisip niya kung ano ba ang ginawa nito sa kanya at bakit ganito ang nararamdaman niya dito? Nagagawa nitong iparamdam sa kanya ang hindi niya pa nararamdaman buong buhay niya, kahit pa ang dating nobyo niya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Nicolah please wag kang mag overthink! Ayan ka na naman ha!
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Nicolah nang tumingin din si Mr. Lewis sa kanya, "Don't look at me like that. Baka iba isipin ko niyan, Farrah.", seryosong sambit nito sa kaniya.
Napanguso nalang siya at napayuko, napahiya ka na naman Nicolah!
"There, tapos na.", sabi nito pagkatapos lagyan ng adhesive gauze pad ang sugat niya. Umayos ito ng upo sa may tabi niya at nagtanong, "Ano ba kasing ginagawa mo do'n sa stock room kanina?"
Napabuntong-hininga si Nicola ng maalala si Sheila, "May pinasuyo po kasi si Sheila na bilangin ko doon sa stock room, sir."
Tumingin si Mr. Lewis sa wristwatch nito at tumaas ang kilay, "Eh diba dapat out ka na? At bakit ganyan ang suot mo?", halos malukot ang mukha nito habang sinasabi iyon.
Tinignan ni Nicola ang suot niya, wala naman problema sa soot ko ah?
Naguguluhan man ay sinagot niya pa din ang tanong nito, "Pauwi na sana kasi ako sir. Tapos iyon nga po, may pinasuyo si Sheila kaya ako napunta doon."
Nang may naalala ay hindi niya din napigilan ang magtanong din dito, "Eh ikaw sir? Anong ginagawa mo dito? Di ba po hindi kana pumupunta dito ng nagsimula na akong magtrabaho dito?", walang prenong sabi niya na may halong tampo dito, parang nakilimutan niyang boss niya pala ang kinakausap niya.
Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa kanya kung bakit nagkakaganito siya. Kung dati ang nararamdaman niya lang galing dito ay sarap, saya, at pagkakapahiya bakit ngayon ay parang may konting lungkot at tampo na?
Parang kailan lang ay nasaktan siya sa dalawang tao na pinagtaksilan siya bakit ngayon ay parang may ibang sakit na naman? Dahil ba iyon sa karupokan na ginawa nila sa opisina nito tapos bigla nalang itong nagsisi kaya nasasaktan siya?
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Ayan Nicolah! Hindi ka na kasi natuto!
"Hey! Farrah, are you crying?", hindi niya namalayan na may tumulo na palang luha sa pisngi niya. Mabilis niya itong pinahid at nag-iwas ng tingin kay Mr. Lewis.Têxt © NôvelDrama.Org.
"Wala sir. Napuwing lang ako.", dahan-dahan niyang inangat ang mga paa niya at inapak sa sahig, "Salamat sir. Uuwi na ako."
Akma siyang tatayo ng pinigilan siya nito, hinawakan nito ang braso niya kaya binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin. Magkasalubong ang makakapal nitong kilay habang seryosong nakatingin sa kanya.
"Why are you crying, Farrah?", ngayon ay sigurado at may diin na ang pagkakabigkas nito ng tinanong iyon sa kanya.
Nag-iwas lang siya ng tingin at kinagat ang ibabang labi. Bahagya siyang tumingala para pigilan ang luhang gustong kumawala. Ayaw niyang umiyak sa harapan nito dahil alam niyang wala siyang karapatan na magtampo o masaktan. Come on, Nicz! This is not so you!
Anong bang pinagdadrama mo diyan ha?!
Kinurap-kurap niya ang mga mata niya at bumuntong-hininga bago sinalubong ang mga nito, "Sabing napuwing lang ako sir.", sinusubukan niyang walang emosyong babakas sa mga mata niya at kinuha na ang kanyang braso na hawak- hawak nito, "Uuwi na po ako. Salamat sa pag gamot ng sugat ko, sir.", pasasalamat niya dito bago umalis ng locker room.
Dahan-dahan lang ang lakad niya dahil masakit ang isang paa niya. Akala niya ang katawan niya lang ang tanga dahil sa pagkakadapa niya pati din pala ang puso niya.
Siguro nga ay magnet siya at ang naa-attract niya ay puro sakit at lungkot na lang.
"Ano bang nangayayari sa'yo, Nicolah?"
To be continued...