SIDE STORY: 3RD EGO
.
CHIHIRO
HANAMICHI Chihiro, twenty-two years old. First time kong ma-in love!
Dahil sa tindig ko at hitsura, maraming natatakot sa akin pero sa kabila nito ay masaya pa rin ako. Pinalaki ako ng aking mga magulang na puno ng pagmamahal. Sila ang naging inspirasyon ko kung bakit hanggang ngayon ay naniniwala ako sa true love. Makaluma na kung pakikinggan, lalo na sa panahon ngayon pero naniniwala akong bawat isa sa atin ay may nakalaan na taong karapat-dapat na tumanggap ng ating pagmamahal. At si Izumi-sensei ang true love ko!
"Wala na itong urungan. Nasabi ko na kay Sensei ang totoo kong nararamdaman. Kahit noong unang araw pa lang ng aming pagkikita ay siya na talaga ang para sa 'kin," kinikilig na kausap ko sa aking sarili habang ini-imagine si Izumi-sensei na nagpapa-cute sa harap ko habang binibigyan ako ng wagas na flying kiss. "Kya~h! Sensei!" biglang hiyaw ko pa at napaigtad ang babaeng pasyente na may schedule magpa-check-up kay Izumi-sensei ngayon. "Ah. Sorry. Ikaw na ang susunod," pagpapaumanhin ko sa kanya nang mapansin kong kinilabutan siya sa ikinilos ko.
"S-salamat," nag-aalangan namang pakli ng babae bago pumasok sa clinic room ni Izumi-sensei.
Ang totoo niyan, hindi ko inasahang mahuhulog ang loob ko kay Izumi-sensei. Nagkaroon na ako ng mga crush noon pero iba siya sa lahat.
.
[FLASHBACK]
Kabadong-kabado ako noong mag-a-apply pa lamang ako sa clinic na ito. Graduating na ako at kailangan kong kumuha ng OJT experience para makumpleto ang requirements ko.
Totoong karamihan sa mga Omega ay walang pinag-aralan at mababa ang uri ng kanilang mga pamumuhay kumpara sa mga Alpha at ilang Beta. Pero, marami sa mga Omega ang likas na marunong. Hindi mayaman ang mga magulang ko pero sinikap nilang pag-aralin ako sa kabila ng hindi pagtanggap ng mga sarili nilang pamilya sa kanilang relasiyon.
Nagmula sa isang mayaman na pamilya ang Alpha kong ama at ang ina ko namang Omega ay isa lamang tauhan ng kanilang pamilya noon. Hindi inakala ng ama kong mahuhulog siya sa Omega kong ina na isa ring lalaki kagaya niya. Hindi naman na bago ang pagkakaroon ng relasyon sa kapareho ng kasarian ngunit strikto ang pamilya ng aking ama. Ayaw nila sa mga lalaking Omega dahil malalandi daw ang mga ito at aakitin lang ang kahit na sinong Alpha na kanilang matipuan. Taliwas ang naging paniniwala ng ama ko noon. Pinaglaban niya ang pagmamahalan nila ng aking ina hanggang sa mabuntis si ina. Sobrang nagalit ang pamilya ng ama ko sa kanya at pinalayas silang dalawa. Dahil dito ay naghirap si ama pero hindi nito napigilan ang kanilang pagmamahalan. Pinalaki nila ako at binusog sa pagmamahal. Masasabi kong napakasuwerte ko dahil sila ang mga naging magulang ko.
Kaya noong una kong makita si Izumi-sensei, tsaka ko lang naintindihan ang parating sinasabi sa akin ng ina ko noon: Ang isang senyales na gusto mo ang isang tao ay bigla na lamang kumakabog ang dibdib mo nang walang dahilan. Gano'n ang naramdaman ko nang makita ko sa unang pagkakataon si Izumi-sensei. Hindi maganda ang naging first impression niya sa akin pero hindi na iyon mahalaga.
"Ano ang pangalan mo?" tanong nito sa akin habang titig na titig ito sa kabuuan ko. Para bang hindi ito makapaniwala na nag-aaral pa lamang ako.
"H-Hanamichi Chihiro *desu [formal way of speaking]," kinakabahan kong pagpapakilala sabay lunok.
"Isa kang... Omega?" Nagtaas siya ng isang kilay at mas tumindi ang pagkakatitig niya sa akin nang basahin nito ang aking resumé.
Napapitlag naman ako sa takot na baka hindi niya ako tanggapin. Totoong hindi biro ang pagha-hire ng mga Omega sa kahit na anong uri ng trabaho dahil sa heat cycle namin. "O-opo!"
“Hmm... Sige. Hired ka na. I'm Izumi Aki,” pagpapakilala niya sa kanyang sarili at kumislap naman ang mga mata ko sa saya.
"Izumi-sensei... You're so beautiful!" biglang komento ko habang kilig na kilig na nakatitig sa kanya.
Literal na nalaglag ang panga ni Izumi-sensei sa sinabi ko no'n at matagal bago siya nakapagsalita. Sinabi nito sa akin pagkatapos na kinakailangan kong maging maingat sa lahat ng oras. Ako pa lamang ang kauna-unahang Omega na pinayagan niyang magtrabaho sa clinic niya dahil mukha naman daw akong may alam. Parang insulto ang pagkakasabi niya no'n pero napakasaya ko na tinanggap niya ako.
[END OF FLASHBACK]
•
At nitong nakaraang buwan lamang ay graduate na ako at ngayon ay regular secretary na ako ni Izumi-sensei.
"Kya~h!" Muli ko na namang hiyaw sa kawalan at pinagtinginan ako ng mga naghihintay na pasyente. Mayamaya pa ay lumabas ang babae kanina. Lumapit ito sa akin bago pinakita ang prescribed medicines na kailangan niyang bilhin. Binasa ko ang nakasulat doon at tiningnan kung mayroon pa kaming stock. "Um... miss, wala na kami nitong birth control pills. Subukan mo na lang sa drug store," sabi ko sa babae at tumango naman siya bilang pagsang-ayon. "Sige, salamat," aniya bago umalis.
[Birth control pills... Gumagamit din kaya ang mga Alpha ng birth control pills?] Bigla kong isip-isip at napatingin sa gawi ng clinic room ni Izumi-sensei.
Wala akong alam tungkol sa pribadong buhay ni Izumi-sensei. Ang tanging alam ko lang ay mayroon siyang kaibigan na nagngangalang Shimada Kazuki at madalas itong pumunta dito noon pero simula noong nahanap na niya ang kanyang fated pair at noong nagkaanak na sila, minsan na lang siya napapadako rito. Hindi ko alam kung paano sila naging magkaibigan pero nakikita ko kay Izumi-sensei na iba si Shimada-san sa lahat, para bang espesyal siyang tao sa buhay ni Sensei.
[Ah. I got hard,] bigla na lamang akong kinilabutan nang maalala kong work hours pa pala ngayon at bukod doon, marami pa ang nakapila para magpa-check-up! Ano'ng gagawin ko?! Prantik kong isip habang panay ang lingon sa aking paligid.
"Ayos ka lang?" biglang puna ng isang lalaki na naghihintay rin sa napakahabang pila ng mga naka-schedule magpatingin ngayon nang mahalata nitong tila hindi ako mapakali.
Mabilis naman akong tumango. "O-oo," pagsisinungaling ko kahit na malapit na akong mabaliw dahil lang sa naisip ko na naman si Izumi-sensei.
[Ayos lang kaya kung mag-CR muna ako? Baka kasi tawagin ako bigla ni Sensei,] nag-aalala kong isip at panay na sinilip ang reaksiyon ng mga tao sa kilos ko. Lahat sila ay nahahalata na ang pagiging balisa ko. Kailangan ko nang makaalis dito sa lalong madaling panahon!This content © Nôv/elDr(a)m/a.Org.
Pasimple akong umalis sa aking puwesto bago ngumiti sa mga pasyente na nadaanan ko. Nang masigurong wala na ang atensiyon nila sa akin ay kumaripas ako ng takbo papuntang banyo. Mabuti na lang talaga at medyo malayo ang banyo kaya hindi nila ako maririnig kung sakaling magparaos muna ako sandali o 'di kaya ay mapaungol nang hindi inaasahan.
"Umfgh!" Impit akong napaungol habang ginagawan ng paraan ang aking pagkalalake na kumalma. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong tinigasan pero napapansin kong nangyayari ito sa tuwing napapadalas ang pag-iisip ko tungkol kay Izumi-sensei. Alam kong hindi ito normal at lalong hindi tama pero ano ang magagawa ko?! "Sensei... suki desu," turan ko sa kawalan habang binibilisan na ang pag-ulos sa aking pagkalalake.
Noong una niya akong makitang ginagawa ito habang nakatingin siya ay sobra akong na-excite. May parte ng pagkatao ko ang nahiya dahil isa akong Omega na may katawan ng isang Alpha pero may parte din na nagsasabing nais kong malaman ni Izumi-sensei na hindi ako nagbibiro kapag sinabi kong gusto ko siya.
[Paano ko kaya mapapaniwala si Sensei na seryoso ako?] Namomroblema kong ani sa isipan.
"Sensei!" Kasabay ng pagtawag ko sa kanyang ngalan ay nilabasan naman ako. Gaya ng inaasahan ko, marami na naman akong nailabas ngayon. "Bakit ba kasi ang libog ko?" naiiyak ko na lang na tanong sa aking sarili sabay kuha ng tissue at nilinis ang sarili ko bago ako naghugas ng kamay. "Kung nakikita lang ako ni Izumi-sensei ngayon walang duda na papagalitan na naman ako no'n."
Matapos makaraos ay bumalik na ako sa aking puwesto. Lumuwag naman ang pakiramdam ko nang wala ni isa sa mga pasyente ang nagduda sa pagkawala ko.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Mag-a-alas ocho na ng gabi at kasalukuyan nang nililigpit ni Izumi-sensei ang kanyang mga gamit bago ito umuwi. Ako naman ay malapit na ring matapos sa pagche-check ng log book. Inalam ko na rin kung ano'ng mga gamot ang wala na kaming stock upang masabihan ko si Sensei. Ilang sandali pa ay nagbukas ang pinto ng kanyang clinic room. Mabilis naman akong napatingin sa kanyang direksiyon.
"Sensei!" bigla kong ani at napaigtad si Sensei nang bahagya sa gulat.
"Tapos ka na? Magsasara na tayo," tanong nito.
Niligpit ko naman ang log book bago ko siya sinagot, "Sensei, wala na tayong stock ng birth control pills. Kakaunti na rin ang anti-Alpha rut natin."
"Oh, okay. Siya nga pala..." aniya at pagkatapos ay biglang namula ang pisngi ni Izumi-sensei at medyo nag-alinlangan na tapusin ang nais niyang sabihin, "Don't you ever masturbate in front of me, ever again. Especially when we are here." Hindi naman siya galit at lalong hindi rin niya ako sinisigawan pero awtomatiko na lamang akong napaiyak nang walang dahilan.
"Do you hate me now, Sensei? Ugh..." parang batang umiiyak kong tanong habang tumutulo ang sipon ko.
Nataranta naman si Izumi-sensei sa naging reaksiyon ko at pilit na pinagaan ang aking loob. "It's not like that!" mariin niyang tanggi. "Sinong normal na tao ang gagawa ng ginawa mo knowing that someone was witnessing your actions?! Hindi ba nasabi sa iyo na kailangan ng privacy ang paggawa ng mga ganoong bagay?!"
"Patawad, Sensei. Hindi na po mauulit!" nagsisisi kong pakli bago bumulahaw ng iyak at tuluyang nataranta ang doktor.
"Stop crying! Para kang bakang kinakatay!" inis nitong sita sa akin.
"P-pero..." Suminghot ako bago pinunasan ang mga luha ko. "Gusto talaga kita, Sensei," katuwiran ko.
Napa-tsk si Izumi-sensei bago inayos ang suot nitong salamin. "Do you seriously like me?"
"Opo," mabilis ko namang sagot.
Napabuntong-hininga muna siya bago nagsalita, "Then don't do that!" biglang singhal nito kaya nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Puputulin ko 'yang ari mo kapag ginawa mo ulit 'yon sa harap ko! Maliwanag?!" gigil nitong banta sa akin pero imbes na matakot ay tuwa ang aking naramdaman.
"Opo, Sensei!" mabilis kong sang-ayon sabay nangiti ng malapad bago nagliwanag ang buong mukha ko.
"You're really weird," aniya saka ako tinalikuran.
"Sensei, suki desu!" muli ko na namang deklarasiyon at nakita kong namula ang mukha niya kahit na nakatalikod ito sa akin.
Pagkatapos no'n ay umuwi na kami. Gusto ko sanang bigyan ng goodbye kiss si Sensei kaso baka suntukin niya ako kaya sa susunod na lang.
Kinabukasan, napansin ko na medyo matamlay si Izumi-sensei. Para bang may dinadala itong problema. Nais ko siyang tanungin pero sinabi ng mga magulang ko na hindi magandang asal ang manghimasok sa buhay ng iba ng walang pahintulot. Kailangan ko raw matutong alamin ang posisyon at limitasyon ko bilang isang tao. Ayos lang na magpakita ng malasakit pero nasa tao na iyon kung pagkakatiwalaan ka nila.
Maayos na natapos ang araw. Kakaunti lang ang nagpatingin ngayon. Hindi rin gaanong nakibo si Izumi-sensei sa akin.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! [Galit kaya siya? Ayokong kamuhian ako ni Sensei. Ano ang maaari kong gawin upang makita niyang seryoso ako?]
Tapos na akong magligpit ng mga gamit pero hindi pa lumalabas si Sensei sa kanyang room. Minabuti ko na lamang na alamin kung mamaya pa siya uuwi o baka may gagawin pa itong iba. "Sensei?" mahinang tawag ko sa kanyang pangalan sabay katok sa pinto. Marahil ay masyadong mahina ang pagkakatawag ko dahil hindi ito sumagot. Akmang magsasalita sana ako ulit nang marinig kong tila may kausap ito sa loob.
[Bakit hindi ko napansing may pumasok na iba?!] Pagwawala ko sa aking isipan.
"I told you, hindi na muna ako makikipagkita sa 'yo. My schedule is hectic," ani Sensei sa medyo inis na tono.
"But you are lonely, aren't you?" wika ng isang boses lalaki mula sa loob. May kalaliman ito at mukhang malapit ito kay Izumi-sensei base sa tono ng pananalita nito.
"Fuck off. My secretary is still outside kaya umalis ka na. Pagod ako," pagtataboy ni Sensei sa kausap at may narinig akong nahulog na matigas na bagay bago may bumangga sa pinto kaya napaatras ako sabay takip ng aking bibig. "But last night, weren't you enjoying while I played with your sweet ass? You were crying so desperately I can't help but fuck you, Aki," turan ng lalaki at nanlamig ang buong katawan ko sa narinig.
"I told you to quit calling me 'Aki', you bastard!" buska ni Sensei rito at napasinghap ako nang marinig ang isang impit at pigil na ungol mula sa kanya. "Ngh! Where do you think you're touching?"
"Oh? You got hard just from my touch?" tukso ng lalaki kay Sensei at lalo akong nanigas sa aking kinatatayuan.
Guni-guni ko lang ang lahat. Hindi ito totoo, hindi ba? Imposible na gawin ni Sensei ang ganitong bagay. Sandali...
[Wala akong maintindihan!] Sigaw ko sa aking isipan kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko.
"Just leave!" singhal ni Sensei at napasinghap akong muli nang may bumangga na naman sa pinto. "Aah..."
"Are you sure you don't want my cock right now?"
[C-c-c-c-cock?! Teka. A-ano'ng c-cock? Isang tandang...?] Naguguluhang wari ko sa isipan habang umiikot ang mga mata ko sa pagkalito.
"Fuck it! I said, leave!" tuluyan nang nagtaas ng boses si Sensei.
Saglit na natahimik sa loob bago nagbukas ang pinto. Dali-dali naman akong nagtago. Mabuti na lang at hindi malaki ang awang ng pinto kaya hindi nila ako napansin.
Nakita ko ang mukha ng lalaking nakausap ni Izumi-sensei. Matikas ang tindig nito at mukhang mayaman. Hindi siya mukhang bayolente pero nararamdaman ko ang aura ng isang Alpha mula sa kanya. Tinangka pa nitong halikan si Sensei pero mabilis siya nitong iniwasan at pinagtabuyan hanggang sa nasa labas na ito habang ako naman ay tahimik na sinundan lamang sila ng tingin.
"I'm free. Call me if you feel like doing it. Just give up on that Omega already. Wala kang mapapala sa kanila," pahabol na saad ng lalaki at nagawa pang dampian ng masuyong halik si Sensei sa pisngi.
Nakatalikod si Sensei sa akin kaya hindi ko nakita ang naging reaksiyon niya sa halik na iyon. "Leave," tipid niyang tugon dito at pagkatapos ay lumisan na ang lalaki. Pagkaalis ng lalaki ay napabuga ng hangin si Sensei bago mahigpit na
niyakap ang kanyang sarili. Iyon ang unang beses na nakita ko siyang tila pinanghihinaan ng loob. "Walang mapapala... 'ka mo...? I know that already. You don't have to tell me that, you fucker," halos pabulong na saad ni Sensei sa kanyang sarili.
Para naman akong tinusok ng kutsilyo sa narinig. Ano ang ibig sabihin no'ng lalaki? Posible kaya na may nagugustuhan si Sensei na isang Omega? Pero sino?
Lihim ko namang naikuyom ang aking mga kamay kasabay ng pag-iyak ko ng tahimik. "Sensei... suki desu," pabulong kong wika habang taimtim na nakatitig sa kanya sa malayo.
Ngayon ko lang napagtantong wala pala akong kaalam-alam tungkol kay Sensei.