CHAPTER SIX
Makalipas ang isang linggo ay nakapasok na siya sa university na pinapasukan niya. Habang naglalakad sa kahabaan ng kalyeng iyon kung saan doon din dumaraan ang sasakyan ng mga mayayamang studyante roon. Siya naman ay nagtatyagang naglalakad. Nang biglang may malakas na busina ang nagpabingi sa kanya. Napatakip siya ng dalawang kamay niya sa kanyang mga tainga. Napalingon siya at naiinis na nilapitan ang kotse. "Bumaba ka nga!" Malakas pa niyang nahamapas ang harapang salamin ng kotse nito.
Biglang bumaba ang salamin ng bintana ng kotse at nakangising iniluwa nito ang binatang si Fillbert. Anak mayaman na nag-aaral din sa university na iyon. Madalas iyong usapan ng mga estudyante doon. "Anong problema miss?" "Anong problema diba ikaw nga 'yung bumusina ng napakalakas?" Napapamaywang na sambit niya. Tumawa naman ito.
"Akala ko kasi naglalakad na basura, sorry tao pala." Sabay pinaandar na nito ang kotse ngunit napigilan niya ito kaya bigla ring naihinto ng lalaki.
"Sandali nga, alam mo ang yabang mo no! Bwisit ka!" sambit niya rito. Ngunit isang kamay naman ang humablot sa kanya. Gulat siyang napalingon sa taong humablot sa isang kamay niya. " Aray! Ano bang "
"Hindi kita pinalipat sa pang umaga para makipag away sa ibang studyante!" mahina ngunit mariing sambit nito sa kanya.
"Sir-Hyulle, ba't ka narito?"
"Off course! I'm a professor here, hindi mo ba alam?"
"Ah, oo nga pala, sige okay na ako Sir, sige po hindi na mauulit," sabi niya rito sabay tatalikod na sana siya. Kaya lang ay nahila nito ang isang tali ng back pack niya.
"Saan ka naman pupunta?" tanong nito.
"Late na ko sa klase ko? History po and subject...." Sambit niya ngunit sa halip na bitiwan siya ay lalo pa siyang hinila ni Hyulle at pinapasok siya sa sasakyan nito. At pagkatapos ay tinapunan ng masamang tingin si Filbert, saka sumakay na rin at pinaandar ang kotse.
"Bakit ba lahat na lang ng kilos ko binabantayan mo? Stalker ka ba? Alam kong amo kita, pero sa mansiyon mo lang iyon! Hindi kasali rito sa university! So please pakawalan mo na ako!" Ngunit sa halip na magsalita ay mabilis nitong prineno ang sasakyan kaya't halos napasubsub siya sa dashboard ng kotse.
"Ayan na bumaba kana!"
"Iyon lang ang sasabihin mo matapos mo akong kamuntik nang isubsob dito?" naghihimutok niyang sambit sa amo.
Bumaba si Hyulle at nakasimangot na kinuha ang bag nito na may lamang laptop. Siya naman ay natitigilang napatingin lang sa lalaking naka labas na. Ngunit bago ba siya makababa ay binalikan siya nito. "Ano ikaw na na ang magpa-park ng kotse ko?"
"Ha! H-hindi ah!" Mabilis niyang binuksan ang pintuan ng kotse at saka bumaba. Mabilis siyang humakbang paakayat sa mataas at malalapad na baytang ng hagdanan.
Samantalang hindi nila pansin si Fillberth na nasa kanilang likuran at matiim na nakamasid sa kanila. "Ow, I know that person...." Sambit nito sa sarili. Nadama naman ni Hyulle ang kakaibang enerhiya nito, na lihim na napalingon ang binata sa lalaking si Fillberth. Samantalang siya naman ay hindi niya na sence ang bagay na iyon. Dala iyon na hindi niya naririnig ang iniisip at tinitibok ng puso ng mga nilalang na kapwa niya ngunit mas malakas sa kanya.
Alas-kwatro ng hapong ang huli niyang klase, nilapitan siya ni Shiera, ang presidente ng club ba sinalihan niya. Sumali siya sa taekwondo club sa school nila dahil gusto niyang matutong ipagtanggol ang sarili niya sa mga taong nais na umapi sa kanila ng kanyang ina. Noon kasi ay madalas silang ma-bully ng kanyang ina. Kaya naman sa bundok siya pinalaki ng Ina niya at doon ay tinuruang mumuhay ng hiwalay sa nakararami.
"Polina! Ay nako, kailangan ka namin mamaya, kasi ikaw ang pang bato ng taekwondo club sa darating na beauty contest," malakas ang sigaw ni Shiera. Napalingon naman siya dahil sa lakas ng boses nito at maging ang mga kaklase niya ay napatingin din sa babae.
"Ha? Anong beauty contest? Pinagsasabi mo?" bulalas niya sa kaibigan.
"Bakit, hindi mo ba alam? Saka dumating yung Senior natin, hindi raw pwedeng walang pang bato ang mga freshmen!"
"And so? Ba't naman ako?" nNaituro niya ang sarili. Hindi naman ganong kaganda ang tingin niya sa kanyang sarili.
"Oo nga naman, bakit naman si Polina pa ang ipang lalaban niyo sa akin, wala namang ka-challenge- challenge!" sabat ni Rhuiza sa kanila. Ito 'yong babaeng madumi ang budhi at puno ng insecurities sa sarili.
"Pwede ba, huwag ngang epal! Siya napili ng Senior, wala kaming say doon, saka isapa, club namin ang may desisyon, dalawa lang naman kaming babae sa taekwondo club," katwiran ni Shiera. Bigla na lang siyang nakadama ng gutom ng mga oras na iyon, at tila nanghihina ang mga kalamnan niya. Gulay kasi ang inulam niya at sandamakmak na kanin. Pero ilang oras pa lang ay nakakadarama na siya ng panghihina. Habang nagtatalo ang dalawa ay ipinasya na niyang umalis at iwan ang kaibigan.
Naglalakad na siya at minamadali na niya ang paglalakad ngunit. Nasundan pala ako at nahabol ni Shiera. "Polina! Sandali!" Sigaw nito.
Hindi na sana niya lilingonin ito ngunit nagulat siyang nasa likod na niya agad ito. "Bakit ba?"
"Kailangan ka nga makausap ni Senior, kasi hindi pwedeng hindi ka sumali at uma-tend ng festival."
"Festival? Festival ka dyan, meron pala niyan?" sambit niya. Hindi niya iyon alam dahil iyon ang unang beses niyang nakapag-aral. Natuto lamang naman siya noong nasa siyudad na siya at dahil sa naririnig nga niya ang sinasabi ng utak ng tao. Mabilis din niyang natutimuhan sumulat, sa abilidad na alam niyang hindi pang normal na tao.
"To naman, parang Ngayon lang nag-aral sa buong buhay niya! Noong high school kaba dka nasali sa mga ganito? Parang pyesta lang to na may sayawan at kung ano-anong pa-contest," paliwanag ni Shiera sa kanya. Habang siya ay patuloy na nakadarama ng matinding paglalaway. Gutom siya at iyon ang nasa isip niya. Ang kumain!
"O siya bukas na lang natin iyan pag-usapan mag-aalas-singko na o." Sabay tingin sa malaking orasan na nakasabit sa mataas na harapan ng building na nakasentro para Makita ng lahat ang oras. Kasunod noon ay ang watawat ng Bansa at paaralan.
Ngunit mabilis na hinawakan ni Shiera ang isang kamay niya at pinigilan siya. "Sandali lang! Kailangan ka makausap ni Senior!"
"Shiera! Bukas na lang, hindi talaga ako pwede ngayon! Malapit nang dumilim, mapapagalitan ako ng mga amo ko," dahilan pa niya rito. Ngunit hindi niya maunawaan kung bakit tila ang paghawak sa kanyang palapulsuhan ni Shiera ay mastumibay pa, para na siyang nawawalan ng lakas. Ngunit nagpimiglas pa rin siya. Hindi na siya pwedeng magtagal, kinakailangan niyang kumain, kung hindi ay mahihirapan siyang ikubli ang tunay niyang anyo.
"Let's go to Senior, Polina, kailangan ka niyang makita!" Patuloy siya nitong hinila pabalik sa loob ng building. Wala na siyang lakas, 'di niya maunawaan kung bakit hindi Niya you magawang kumawala sa mga kamay ni Shiera, alam naman niyang ordinaryong tao lamang ito. Hinang-hina na siya pero tila ba siya lang ang nakapapansin nito. At ang mga tao sa paligid ay walang napapansin. Tiningnan niya si Shiera pero ang naingin nito ay nakatuon sa malayo at hinihila lang siya. Pakaladkad at tila nadadala na lang siya nito. Napapapikit na siya at para bang slomo na ang lahat. Ang bag niya ay dumulas na lamang sa kanyang balikat. Parang malabo na at napapapikit na siya.
"Polina!" malakas na tinig ng isang lalaki nagpabalik sa kanya sa kanyang ulirat. Tila nagbalik ang kaunti niyang lakas. At nahila niya kanyang kamay.
At napahinto naman si Shiera, "Bakit? Kinakailangan ka nang makita ni Senior, at makausap."
Ngunit nagulat siya ng bigla na lang may humawak sa dumulas na niyang bag. At isinabit uli iyon sa kanyang balikat, "let's go," sambit nito. Sabay agaw ng kamay niya mula kay Shiera. "Wait! Kailangan namin siyang makausap tungkol sa festival," nakasimangot ma sambit ni Shiera.
"This time is the end of her day, you can tell her all about that tomorrow," mahina ang boses ni Hyulle ngunit puno ng awtoridad. Isang salita na tila salita ng isang hari. At hindi na maaring mabali. "Who are you?" Mabigat ang tinig na tanong ni Shiera, hindi niya maunawaan kung bakit ganoon na lang kaseryoso ang kanilang titigan at uspan.
"Girl, S-Shiera, professor d-dito---" natitigilan siya sa mga reaksiyon ng mga ito. Nakita niyang may kakaibang tila bigat ng mga enerhiya ang bumalot sa dalawa.
"Shiera, let them go," sambit naman ng isang boses sa likod. Hindi niya nakikita ang nagsasalitang iyon. Sa isang iglap ay tila ba umaliwalas ang lahat. Mabilis na akong hinila ni Sir Hyulle. Hindi niya maunawaan pero tila ba may naganap na kung ano, Bigla na lang ay nakita na nila ang sasakyan, at pinasakay na si Polina sa kotse nito. Ramdam niya pa rin ang panghihina. At sa isang iglap ay tinubuan siya ng pangil at mahahabang kuko, ngunit di tulad noon naging ganap siyang hayop, iyon ay kakaiba. Bigla siyang tila nawala sa sarili at gustong umalagpas sa labas ng bintana ng sasakyan. Mabilis na pinaandar ni Hyulle ang kotse at nakalayo na sila. Sa kahabaan ng kalsada ay bilang tumigil si Hyulle sa pagmamaneho, at siya naman ay patuloy na nagwawala.This belongs to NôvelDrama.Org - ©.
"Shut up!" sambit ni Hyulle. Gusto niyang makalabas sa loob ng sasakyan at makahanap ng amoy ng kakaibang uri ng karne at mabangong amoy ng dugo. "Ha...ahh..." Malakas niyang ungol at sigaw.
"Hindi ka ba titigil!" mabilis na pinukpok ni Hyulle ng apat na daliri niya sa bandang gilid ng leeg si Polina. Nawalang siya ng malay.