Mr. CEO is my Secret Husband

CHAPTER 20 The Betrayal



Alas dyes na ng gabi bago ko pa marinig ang sasakyan ni Charlotte na umalis na ng mansion. Hindi ako makatulog kahit na ano pa ang gawin kong pwesto sa aking paghiga. Hindi ko maalis sa aking isipan ang aking asawa na kasalukuyang kasama si Charlotte. Ilang beses akong pinuntahan ni Yaya Lourdes pero nag tulog tulugan na lamang ako, gusto ko munang makapag isip at mapag isa. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto namin ni Shai at ang pagsara nito. Maya maya lamang ay naramdaman ko na lang na lumundo ang kabilang bahagi ng kama hudyat ng pag upo nito doon. Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi na ito muling gumalaw pa. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip ni Shai o kung nakatingin ba ito sa akin ngayon. Naramdaman ko na lang ang masuyo nitong halik sa aking noo at pagkatapos ay muli itong tumayo at ilang sandali pa ay naramdaman ko itong lumabas ng aming kwarto. Mabilis akong bumangon at bumaba ng aming kama. Sumilip ako sa bintana at bahagyang hinawi ko ng kaunti ang kurtina upang hindi niya ako mapansin. Hindi nagtagal ay nakita kong lumabas si Shai, nakabihis na ito at nakajcket pa. Saan kaya ito pupunta? Malalim na ang gabi pero aalis pa rin ito. Nakakunot ang noong hinabol ko na lamang ito ng tingin hanggang mawala na sasakyan nito sa aking paningin. Matagal na itong nakaalis ay hindi pa rin ako umaalis sa may bintana. Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko mawawala sa aming mag ina si Shai. Pakiramdam ko iiwan niya kami ng anak ko. Mahal ko si Shai at malaki ang tiwala ko sa kanya, pero kay Charlotte, hindi ko alam. Hindi ko siya lubusang kilala. Ayoko sanang magpa apekto at baka maramdaman din ito ng anak ko sa tyan ko, pero diko maiwasan lalo pa at hindi pa rin alam ni Charlotte na mag asawa kami at malapit ng magka anak. Nang mangalay sa pagtayo ay napag pasyahan ko na lamang na muling humiga at matulog na.

Kinabukasan ay nagising na lamang ako sa tunog ng aking telepono. Dali dali ko itong inabot at agad na sinagot at hindi na nag abala pang tingnan kong sino ang tumawag.

"Hello?" namamalat pa ang boses na tanong ko sa tumawag.

"Ruth? Ikaw ba yan?" Tanong nang nasa kabilang linya. Agad akong napakunot noo ng mabosesan ko ang nasa kabilang linya. Agad akong bumangon at naupo sa gilid ng kama.

"Charlotte?" nagtataka kong tanong dito. " Napatawag ka, may kailangan ka ba?"

" Busy ka ba ngayon? Invite sana kita dito sa condo, nalaman ko kasi na masarap kang magluto. Ok lang ba ?" Tanong nito sa kabilang linya.

"Ha? Ah- eh "hindi kaagad ako makasagot sa sinabi nito. Iniisip ko kung bakit naisipan pa nito na ako ang magluto ng kakainin niya. Pwede naman itong kumain sa labas kung hindi ito marunong magluto.

"Sige, ok lang kung busy ka. Some other time na lang sigu- "hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin sana nito at umuo na lang ako. Wala naman ako gagawin ngayon, at hindi ko rin alam kung nasaan si Shai. Mabuti na rin siguro upang mas makilala ko pa ito.

Mabilis na akong naligo, baka kapusin ako sa oras kung mamaya pa ako aalis. Pagkatapos ng mabilisang pagkain ay agad na akong nag byahe papunta sa ibinigay na address sa akin ni Charlotte. Hindi naman pala ganun kalayo ang tinitirhan niya galing dito.

Bago sumapit ang alas dose ng tanghali ay nakarating din ako sa condo building ni Charlotte. Agad akong sumakay ng lift upang umakyat na sa 8th floor kung saan ito umuokupa.

Pagdating sa 8th floor ay agad kong hinanap ang tinitirhan ni Charlotte. Mabilis ko lang itong nakita at kapagkuwan ay nag doorbell na kaagad ako. Ilang saglit lang akong naghintay sa labas ay pinagbuksan na ako nito ng pinto. "Hi" nahihiya kong bati dito. Mukhang kakagising lang nito dahil nakasuot pa ito ng pantulog na damit na sexy ang design.

"Oh, hi Ruth. Salamat at pumayag ka. Akala ko talaga iisnabin mo ako sa invitation ko eh. Pasok ka " niluwagan nito ang bukas ng pinto upang makapasok ako.

Simple akong napangiti dito " wala naman akong gagawin ngayon eh, kaya ok lang. " sagot ko naman kay Charlotte.All content © N/.ôvel/Dr/ama.Org.

"Halika, doon tayo sa kusina. Inihanda ko na yung alam kong kailangan mo para sa pagluluto. Check mo na lang kung ok na. " wika nito at nauna na itong naglakad papunta sa kusina. Nakita kong nakahanda na ang ibang mga sangkap. "Pang ilang tao ba ang lulutuin ko?" Tanong ko dito at nagsimula na akong gumalaw sa kusina.

"Tatlo. Dito ka na kumain ha, sumabay ka na sa amin ng kasama ko dito. Favorite niya kasi ang sinigang kaya yun ang ipapaluto ko sayo ngayon." Nakangiting wika nito sa akin.

Ilang sandali pa ay nagsimula na rin akong magluto. Ako man ay natatakam na sa amoy pa lang ng aking sinigang na super asim. Isa ito sa paborito ni Shai at mukhang magiging favorite din ito ni baby. Patapos na ako sa aking niluluto ng magpaalam sa akin si Charlotte na maliligo daw muna ito at tatawagin na ang kasama para sabay sabay na kaming makakain ng tanghalian. Habang naghihintay dito ay inihanda ko na ang lamesa, naglabas na rin ako ng mga plato at baso at pagkatapos at nagsandok ng kanin at ulam. Hawak ko ang pitsel at kasalukuyang nagsasalin ng tubig sa baso ng marinig ko ang mga yabag na papasok sa kusina. Nakatalikod ako sa may pintuan at nang magbukas ito ay nakangiti akong dahan dahan na humarap upang batiin ang mga pumasok.

Ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng mapagsino ang sinasabing kasama ni Charlotte.

Hindi ko namalayan na kumawala na pala sa akin ang hawak kong babasaging pitsel at nabasag ito mismo sa aking harapan na naging sanhi ng malakas na ingay. Agad na sumikdo ang sakit sa kaibuturan ng aking dibdib dahil sa aking nakita. Napaawang ang nanginginig kong labi at napakurap kurap, hindi ko lubos akalain na ang aking asawa na hinihintay kong umuwi kagabi ay andito pala kasama ang dati niyang nobya.

The Novel will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!

Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.