CHAPTER 2 The Marriage Agreement
"Have a seat" wika nito sa akin at magkaharapan kaming umupo sa sofa na naroroon. Pasimple kong iginala ang aking paningin sa kabuuan ng opisina nya. Maayos ang buong silid ngunit ang nakaagaw ng aking pansin ay ang picture frame sa ibabaw ng kanyang table. Sino kaya ang nakalagay ng picture doon?
"Let's talk about us " sabi nito na agad kong ikinatingin dito. Seryoso ang mukha nito habang iniaabot sa akin ang isang folder. Nagtatakang inabot ko ito.
"Ano ito?" Tanong ko habang nakatingin sa folder na hawak ko.
"Just Open and read it. If you have any questions, just ask me " sabi nito sa akin.
Dahan dahan kong binuklat ang folder at agad na nabasa ang malaking nakasulat dito. Marriage Agreement.
Binasa ko ito isa isa. Una na dito ang privacy ng bawat isa. Bawal pumasok sa kwarto ng walang pahintulot ng bawat isa. Hindi sila magsasama sa iisang kwarto. Walang makakaalam na kasal sila tanging pamilya lamang. At ang huli na ikinataas. ng kilay ko ay ang annulment after 2 years.
"Annulment ? Anong ibig mong sabihin? Alam ba ito ng pamilya mo?" sunod sunod nyang tanong dito.
"Saka na natin pag usapan yan, may gusto ka pa bang idagdag sa mga nakalagay dyan?" Balewalang tanong nito sa akin.
Napatango ako at tumingin sa kanya " gusto ko sana magtrabaho " sabi ko dito.
"Sige, sabihin mo lang kung kelan mo balak magsimula "
"Salamat, maaari na ba akong lumabas ? Gusto ko na sanang makapagpahinga" wika ko dito at tumayo na.
"Sa harap ng pangatlong pinto ang magiging kwarto mo." sabi nito sa akin at tumayo na rin ngunit umikot lang ito at pumunta sa kanyang table at doon umupo.
Lumabas ako ng kanyang opisina at maingat na isinarado ang pinto. Dumiretso ako ng lakad hanggang sa kwarto na kanyang sinabi sa akin. Pagpasok pa lang ay agad kong inihiga ang aking katawan sa malaki at malambot na kama Pagod na pagod ang aking katawan lalo na ang aking isipan. Naalala ko ang napag usapan namin ni Shai kanina. Gusto ko man na maayos ang buhay mag asawa namin ay hindi na pwede. May mahal itong iba at maghihiwalay din kami pagkatpos ng 2 taon. Lihim akong nagmamahal sa isang taong kahit kelan ay hindi magiging akin.
Kinabukasan ay maaga akong gumising upang tumulong sa kusina, sanay ako sa probinsya na madaling araw pa lang ay gising na at nagsisimula na sa mga gawaing bahay. Naabutan ko doon si Yaya Lourdes na abala sa pagluluto ng almusal. "Good Morning po yaya " masayang bati ko dito at agad na naghila ng isang upuan at umupo dito.
"Ikaw pala yan Ruth, ang aga mo naman gumising iha. Ipagtitimpla muna kita ng kape " sabi nito sa akin.
"Naku, ako na po ang magtitimpla ng kape ko." Wika ko dito habang naghahanda ng sarili kong kape. " Nasanay po kasi ako na maagang gumigising." Nakangiti kong wika dito.
"Ganoon ba? Hala sige, mauna ka na dyan at sabay na tayong magkape. Nabanggit sa akin ni Shai na magkaibigan daw kayo. Natutuwa ako at maliban pala sa kanyang nobya ay may iba pa palang kaibigan na babae ang batang yan. Kaibigan mo rin ba si Charlotte iha?" tanong nito sa akin. Umiling lamang ako.
"Hindi po, hindi pa rin po kami nagkakakilala nun. " maikli kong sabi dito at humigop na ng kape.
"
Ganoon ba. Dito yun tumutuloy kapag nagbabakasyon, mabait na bata yun at parang anak ko na rin. napakalambing pa. " pagkukwento pa nito. Tahimik lamang akong nakikinig sa mga kwento ni Yaya. Hindi ko pa ito nakikita ng personal o kahit sa picture man lang, pero lahat ng tao ay magaganda ang sinasabi tungkol dito. Ang alam lang nya ay model ito sa Paris, kaya siguradong napakaganda nito kumpara sa akin. Napabuntung hininga ako ng hindi ko namamalayan. "Malalim yata ang iniisip mo iha, mukhang namamahay ka pa. May nobyo ka na ba?" tanong nito na ikinasamid ko.
"Naku, Pasensya na po, nagulat lang ako sa tanong nyo. Wala po akong nobyo " nakatawang sabi ko. Natigil kami sa pag uusap ng makarinig ng mga yabag ng papalapit.
"Good Morning Shai, maupo ka na. Ipaghahanda na kita ng almusal mo. Ruth sumabay ka na kay Shai" sabi ni Yaya.
"Hindi na po, mamaya na lamang ako kakain." Magalang kong tanggi dito.
"Sumabay ka na, isasama kita sa opisina. " seryosong wika ni Shai na ikinalingon ko dito.
Patuloy lamang ito sa pagsubo at hindi nag aangat ng mukha.
"Ako? Bakit?" Kunot noong tanong ko dito. Marahan nitong ibinaba ang hawak na kutsara at tumitig sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso na animo ay tumakbo ng malayo. Ang mga mata nyang malalim kung tumitig na animo'y binabasa ang mga nasa isip ko. Agad akong napayuko.Material © of NôvelDrama.Org.
"Hindi ba at gusto mong magtrabaho? Tumawag na ako sa sekretarya ko at pwede ka ng magsimula ngayon. Kumsin ka na, may oras pa naman." at muli na nitong ipinagpatuloy ang pagkain. Binilisan ko na lamang at baka mainip pa itong maghintay sa akin. Mabuti na lamang at tapos na akong maligo. Agad na akong dumiretso sa sala kung saan sya naghihintay. Agad na napakunot ito ng noo ng makita ako.
"Wala ka bang ibang damit?" tanong nito sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Maayos naman ang suot ko, mahabang palda na hanggang kalahating bintiang haba, flat shoes, at long sleeves. Nakatali ang mahaba kong buhok dahil natuyo na ito. At sympre ang aking salamin na hindi pwedeng mawala. "Panget ba ang suot ko? Ganito lahat ang mga damit kong dala, pasensya na." Sabi ko dito. Nahihiya siguro itong kasama ako.
"Tsk. Ok na yan, let's go" at diretso na itong lumabas at sumakay ng kanyang kotse. Mabilis akong sumunod dito.
Wala kaming imikan habang sakay ng kotse, nanatiling diretso ang tingin ko sa unahan at ganoon din naman sya. Tunog g cellphone nya ang bumasag sa katahinikan naming dalawa. Tiningnan nya ang caller at nakita kong biglang umaliwalas ang mukha nito at maganda ang pagkakangiti bago sagutin ang tawag.