Iris Luna

CHAPTER 16



***

Nagsusulat ako ngayon ng liham na ipapadala ko sa aking Prinsipe. Malapit nang matapos ang digmaan nila kaya't labis ang relief na nararamdaman ko ngayon. My Prince,

Kamusta ka aking Prinsipe? Balita ko'y malapit na kayong umuwi dahil sa nahuli niyo na ang lider ng mga Spaniards. Ako'y natutuwa dahil ligtas ka at na-ipanalo niyo ang digmaan. Mag-ingat kayo papauwi. Padalhan mo agad ako ng liham kapag nabasa mo ito.

Naghihintay,

Ang iyong Luna.

Ilang araw ang nakalipas ngunit hindi nagpadala ng liham ang Prinsipe. Kaya't labis na naman akong nag-aalala sa kaniya ngayon.

Busy ba siya? Ano na kaya ang nangyari sa kaniya?

Kaya't hindi ako nakatiis pa at nagsulat ulit ng panibago pang mga liham para sa kaniya.

Aking Prinsipe,

Bakit hindi ka nagpadala ng liham sa akin? Ano na ang ganap d'yan? Ako'y labis na naman na nag-aalala para sa iyo, mahal kong Prinsipe.

U-U

Sulatan mo na ako pabalik, please.

Yours,

Luna.

My Prince,

Ilang linggo ka ng hindi nakakapadala ng liham sa akin. Nalalapit na ang inyong pag-uwi. Ikaw ay aking hihintayin, aking Prinsipe.

Labis na nag-aalala,

Your Luna.

My Prince,

Kamusta ang iyong lagay, aking Prinsipe? May nangyari ba d'yan? Ako ay labis na nag-aalala dahil wala pa akong balita sa'yo. Basta mag-iingat ka palagi, mahal kong Prinsipe.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Labis na nalulungkot,

Your Luna.

My Prince,Belonging © NôvelDram/a.Org.

Bukas na pala ang inyong uwi, aking Prinsipe. Ako'y labis na nagagalak dahil ang tagal na simula nang ating huling pagkikita.

I miss you so much, my Prince.

Your Beautiful Luna.

Tatlong buwan na ang nakalipas at ngayon ang araw ng kanilang pagbabalik. Nagtataka ako dahil hindi sumasagot sa aking mga liham ang Prinsipe. "Girl! Ayan na!" Excited na excited na tili nina Krezella at Amora.

Nakangiti lang ako at excited rin dahil makikita ko nang muli ang Prinsipe.

Bumukas ang pintuan ng palasyo at unang naglakad ay ang General nila. Kasunod ang mga matataas na ranggo ng mga kawal.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "Ay! Bakit wala ang Prinsipe mo, girl?" Tila kabado na sambit ni Amora.

"Nand'yan siya!" Tila masiglang sambit ni Krezella.

Nakatingin lang ako sa mga naglalakad sa gitna ng aming palasyo at nang makita namin si Facio ay agad itong lumapit sa amin nang may ngiti sa kaniyang mga labi. "Magandang umaga, mga mahal na Prinsesa." Pagbati pa nito.

Napakunot noo kami nila Krezella at Amora. "Nasaan si Prinsipe West?" Sabay-sabay naming pagtatanong.

Biglang nawala ang ngiti ni Facio at napalitan ito ng malungkot na mga ngiti. "Patawad, ngunit nauna na siyang umalis matapos madakip ang lider ng mga Spaniards. Hindi nga lang namin alam kung saan siya nagtungo." Sabi nito at tuluyan akong nalungkot.

Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin?

Ano ba ang nangyayari?

***


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.