Chapter 7
Chapter 7
“KEEP your legs close together. Bend your knees a bit. Balance your shoulders with your feet
movement. Yes, like that. Now, move forward.” Natatawa nang sinabi ni Jake nang sa halip na
gumalaw ay nanatiling nakatayo lang si Lea. Lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang
mga kamay. “Come on. Don’t be afraid to fall. Everybody falls. This is your first try. And to fall is
inevitable.”
Nasa loob sila ng rink nang gabing iyon sa Somerset House sa London para doon i-celebrate ang
pasko at bagong taon kasama ang mga magulang ni Lea. Pero hindi na sumama pa ang mga ito sa
paglabas nila ng dalaga para maagang makapagpahinga na sinamantala niya kaya niyaya niya na ito
sa lugar na iyon para tuparin ang isa sa mga nakasulat sa wish list nito.
Aksidenteng nasilip ni Jake ang wish list ni Lea sa isa sa mga nagkalat na papel sa mesa sa opisina
nito noon pang mga nakaraang linggo. Nangunguna na roon ang maipasyal ang mga magulang nito sa
London. Ang lugar na iyon ang natuklasan niyang pinapangarap palang marating ng ina nito.
Pangalawa sa nakasulat ay ang masubukan ang makapag-ice skating. Kaya nang pareho na silang
makakuha ng leave ni Lea ay sinorpresa niya ito at ang mga magulang nito.
Si Jake na ang kusang naghanda ng kanilang plane tickets. Walang kaso iyon sa kanya dahil pamilya
na ang turing niya sa mga Marinduque at alam niyang ganoon rin ang mga ito sa kanya. Ang mga
magulang ni Lea ang nagsilbing pangalawang mga magulang niya noong sumakabilang-buhay ang
kanyang ama’t ina. Sa tuwing bumibisita ang mga ito sa Maynila ay hindi pwedeng hindi siya puntahan
at pasalubungan ng mga ito. Madalas nga ay kasama pa siya sa mga ipinagluluto ni tita Norie, ang ina
ni Lea. Talagang may pagmamanahan ang kaibigan niya. Dahil napakabubuting tao ng mga magulang
nito.
Walang anumang interes si Jake sa skating pero ilang araw niyang lihim na pinag-aralan ang basic
movements niyon noong nasa Pilipinas pa sila. Maaga siyang umaalis ng opisina para doon. Dahil ang
gusto niya ay siya na ang mismong magtuturo kay Lea. Gusto niya itong sorpresahin. Siya man ay
nahirapan ring pag-aralan iyon kaya kinailangan niya pang magpaturo. Dahil hindi iyon biro.
There was ice and you wore shoes with freaking blades. And the floor was more slippery than he
imagined it to be. Sa oras na binitiwan ng trainer noon ang kamay niya ay agad siyang bumagsak na
dahilan kung bakit sa kabila ng mga paalala ngayon sa kaibigan ay hindi niya pa rin magawang bitiwan
ang mga kamay nito. The worst part of it was getting up without falling down again.
“I feel like a baby learning to walk again.” Natatawa na ring sinabi ni Lea.
“Yeah.” Napatangong sagot ni Jake. “The only difference was that babies aren’t scared of falling down.
The first time I did this, I slipped a couple of times. It was very frustrating.”
Nanlaki ang mga mata ni Lea. “So, pinag-aralan mo pala talaga ‘to? Pero bakit?” Nagkibit-balikat lang
si Jake bago nagpatuloy sa pag-alalay sa dalaga. Ngumiti ito at inilibot ang paningin sa buong paligid.
“Thank you for taking us here, Jake. Hindi naman kailangan pero maraming salamat pa rin lalo na sa
pagdadala sa ‘kin rito. Isa ito sa mga nasa wish list ko ngayong pasko.”
Gumanti ng ngiti si Jake. Unti-unti ay sinubukan ni Lea na makasunod sa kanya. Pero hindi nagtagal
ay nadulas ito. At dahil magkahawak-kamay sila ay pareho silang bumagsak. Napasinghap ito bago
natawa nang malakas pagkaraan ng ilang segundo. Nangingiti uli na pinagmasdan niya ito. Katulad na
katulad ito ni Leandra. Napakadaling pasayahin sa mga simpleng bagay.
Mayamaya ay sumeryoso na ang dalaga at humarap sa kanya. “Sabihin mo na. Bakit kami ang
kasama mo ngayong pasko at hindi si Trina? May nangyari na naman, ‘di ba?”
Napakamot si Jake sa kanyang batok. Sa mga ganoong pagkakataon ay nahihiling niyang sana ay
hindi siya ganoon kakilala ni Lea. Wala siyang maitago rito. He was always naked in front of her. Naked
in a sense that she could see right through him. Including all of his thoughts, his fears, his
uncertainties, his dreams, and his hopes. Bihira siyang sumama sa pamilya ni Lea na mag-celebrate
ng anumang okasyon. Madalas ay nagpupunta siya sa bahay ng mga ito kapag natapos na ang
selebrasyon. Dahil gusto niyang bigyan ng pribadong oras ang tunay na magpapamilya kaya ang ang
mga nagiging girl friend niya ang kasama niya parati.
Pero sumablay nang panahong iyon.
“Trina and I broke up-“
“Obviously.” Napatango-tango pa na sinabi ni Lea.
“She said she wanted not just a piece of me. She wanted something else. Something deep and
something… I couldn’t give. At least, not yet-”
“That’s why you chose to end things with her.” Pumalatak si Lea. “Bakit naman itinaon n’yo pang
magpapasko? Sana ay ipinagpaliban n’yo na muna ang issues n’yo. Para hindi ka sana malungkot
ngayong pasko.”
Marahang pinitik ni Jake ang ilong ng dalaga. Nang ngumuso ito ay natawa siya. “Sino ba kasing
nagsabing malungkot ako? I can’t possibly be sad whenever you’re around, Leandra.”
Nangislap ang mga mata ng dalaga. “Really?”
“Really.” Totoo sa loob na sagot ni Jake. Hindi niya lang basta kaibigan ang dalaga. Halos kapatid niya
na rin ito. And she was his comfort zone. Sa tuwing hindi maganda ang pakiramdam niya ay sa bahay
ni Lea lang siya nagpupunta. Hangga’t nasa tabi niya ito, hindi niya kakailanganing dumayo pa sa
ibang lugar. Sa tabi lang nito siya pinakakomportable. Maraming bagay siyang hindi nasisiguro sa
mundo. Kahit sa negosyo niya ay hindi pa rin siya sigurado. Ang sigurado niya lang ay kung ano ang
meron sa kanilang dalawa.
Naiiba si Lea. Parati itong naiiba sa paningin niya… at parating espesyal. Dahil ito ang nag-iisang tao
sa mundo na mas nakakakilala sa kanya nang higit pa yata sa pagkakakilala niya sa sarili niya. Ito ang
nag-iisang tao sa mundo na alam niyang hindi kahit na kailan magagawang manghusga sa kanya.
Kampante siya sa kaisipang pwede siyang iwan ng lahat maliban rito.
Naalala ni Jake noong mga panahong nagkaroon ng komplikasyon sa hotel niya dahil sa nagwawalang
ex-girl friend niya na hindi nagawang tanggapin ang pakikipaghiwalay niya nang magsimula na itong
mag-demand ng kasal. Nagkataong sikat na blogger rin ito kaya napuno ng bad reviews ang hotel niya
na hindi niya sukat akalaing idadamay nito. Kung ano-ano ang mga inakusa sa kanya ng ex niya na
puro walang katotohanan mula sa facilities, sa management at accommodations sa hotel hanggang sa
mismong may-ari---sa kanya kaya dumalang ang customers nila.
Ilang linggo ding pinasakit ng babae ang kanyang ulo. Ganoon na lang ang pagtitimpi niya para hindi
ito kasuhan. During those moments, Lea sticked around him. Lingid sa kaalaman ni Jake ay nag-imbita
ito ng napakaraming bloggers sa hotel niya para patunayang walang katotohanan ang mga ibinibintang
sa kanya at sa hotel. Naibangon niya ang reputasyon ng negosyo niya dahil sa naging positibong
reviews ng mga iyon.
May mga koneksiyon si Jake. Kaya niya iyong gawin kung tutuusin. Pero naunahan na siya ni Lea. She
always knew what he needed even before he could talk about it. Ang kapatid ng naging kliyente nito na
nagkataong isang kilalang modelo ay inimbitahan rin nito sa hotel niya na sa huli ay naging endorser
niya pa.
“I don’t know. I just feel like I’m not the marrying type. Wala akong tiwala sa sarili ko pagdating sa
panghabang-buhay na commitment.” Mahinang amin ni Jake pagkaraan ng ilang minuto habang
nakatitig siya sa umiilaw na higanteng Christmas tree hindi kalayuan sa kanila ni Lea. “Parang hindi ko
kayang mag-alaga ng sarili kong pamilya. Parang… wala akong kapasidad na gawin ‘yon. Ang sarili ko
ngang kapatid, nabigo pa akong alagaan at protektahan, ang magiging mga anak ko pa kaya? I might
end up disappointing them in the end.”
“Jake, look at me.” Ipinaharap ni Lea ang mukha niya rito. Sa pagkakataong iyon ay ito naman ang
pumitik sa kanyang ilong. “Hindi ko alam kung ilang beses kong kailangang isaksak sa kukote mo na
hindi mo kasalanan ang nangyari kay Leandra. It was an accident. Nagkataon lang siguro na hindi ka
pa handa ngayon sa gano’ng bagay. Baka masyado pang maaga o kaya… baka hindi lang si Trina ang
tamang tao para pag-alayan mo ng ganoong bagay.
“It’s not you, Jake. It just so happened that it’s not the right time yet. Maniwala ka sa akin. Magiging
mabuti kang ama. Dahil napalaki ka nang maayos ng mga magulang mo. Magiging mabuti kang
asawa. Dahil mabuti ka namang tao. Babaero ka, oo at nakakaasar ‘yon.” Umirap pa si Lea. “Pero
mabuti kang tao. Mawawala rin siguro ‘yang bahaging ‘yan ng pagkatao mo sa oras na mahanap na ng
puso mo ang babaeng para sa ‘yo.”
Ilang sandaling natigilan si Jake. Muli ay may kung anong mainit na bagay na para bang pumasok sa
puso niya. Pero naroroon pa rin ang pag-aalinlangan niya sa sarili. “You always see something good in
me. Why?” Hindi makapaniwalang sinabi niya.
Natawa lang ang dalaga bago iniabot ang mga kamay sa kanya. “Scate na tayo uli?”
“Hindi ka na takot?” Nanunuksong sinabi ni Jake nang alalayan itong makatayo.
“Hindi naman talaga ako takot. Natetensiyon lang. At… nae-excite na rin. Ngayon ko lang ito
naranasan. At dito pa sa isa sa pinakamagandang lugar sa mundo. Thank you for this, Jake. At gaya
ng sinabi ko, hindi ako natatakot. Hindi ako matatakot basta’t alam kong nasa paligid ka. And to answer
your question, it’s because…” Ngumiti si Lea. “I’m someone who believes in you.”
‘I believe in you’ was one of the strongest lines he had ever heard. And that was also the most
powerful. Tuluyan nang gumaan ang pakiramdam ni Jake sa narinig. Kanina pa sila sa hotel
nagbigayan ng mga regalo kasama ng mga magulang ni Lea pero pakiramdam niya ay ngayon niya pa
lang tuluyang natanggap ang sa kanya. Her trust in him will forever be more precious to him than
anything else in the world. Bahagyang hinila niya ang dalaga palapit sa kanya at niyakap. “Thank you.”
“You’re always welcome.” Gumanti ng yakap ang dalaga. “Merry Christmas, Jake.”
NATIGILAN si Jake sa panibagong buhos na iyon ng alaala habang pinagmamasdan ang apartment ni
Lea mula sa loob ng kanyang sasakyan. Napahugot siya ng malalim na hininga nang maalala ang mga
iniwan nitong salita sa kanyang opisina noong nakaraang linggo. Ni minsan ay hindi niya inasahan
iyon. Para iyong isang napakalakas na lindol na dumating sa buhay niya. At simula niyon ay araw-araw
pa rin siyang nakakaranas ng malalakas ring aftershock.
Natatandaan niya ang mga nangyari sa kanila noong gabing iyon. At araw-araw simula nang magising
siya pagkatapos niyon ay walang patid ang naging pang-uusig sa kanya ng konsensiya niya.
Nagagagalit si Jake sa sarili niya at sinisisi niya ang sarili niya. Dahil parati niyang iginigiit na naiiba si
Lea. She was his best friend and almost like his sister. Pero dahil sa kapangahasan niya noong gabing
iyon ay parang hindi sinasadyang naihalintulad niya ito sa mga babaeng dumaan lang sa buhay niya.
Kahit pa inamin ni Lea na may kasalanan rin ito sa nangyari ay walang nagbago sa para bang bulok na
pakiramdam niya. Siya ang lalaki, ang mas malakas. Anong laban ng isang babae sa kanya sa oras na
ipilit niya na ang sarili? Isang babaeng… may lihim pala na pagmamahal sa kanya na dahil sa
kalasingan ay hindi sinasadyang sinamantala niya nang gabing iyon?
Nagsisisi si Jake dahil para siyang gagong nagpakalasing pagkatapos matuklasang niloloko lang siya
ni Lucine kung kailan sinisimulan niya nang ikonsidera ang paglagay sa tahimik. Nakita ito ng isa sa
mga kaibigan niyang si Ross na may kahalikang iba sa isang partikular na resort kung saan
nagkataong naroroon rin ang kaibigan. Kinuhanan pa nito iyon ng litrato at ipinadala sa kanya.
Nang nakipaghiwalay na si Jake kay Lucine ay nagbanta itong hindi siya titigilan kaya binigyan niya ito
ng tseke para umiwas na sa eskandalo at komplikasyon tutal ay natuklasan niyang pera lang din
naman ang habol nito sa kanya matapos niyang magpaimbestiga. Pero mukhang hindi ito nakuntento.
Kailan lang ay sinimulan na nga nito ang panggugulo sa hotel niya.
At dahil ilang linggo nang mainit ang ulo ni Jake dahil sa nangyari sa kanila ni Lea ay si Lucine ang
napagbalingan niya. Hindi siya kahit na kailan pumatol sa isang babae pero nang magkita sila nito ay
binantaan niya na itong idedemanda sa oras na lapitan pa siya. Pina-escort niya na rin ito sa mga
gwardya palabas ng hotel at pina-banned na roon.
Nang matanaw ni Jake ang paparating na kotse ni Lea ay nagmamadali na siyang bumaba ng kanyang
sasakyan. Nang tangkang lalampasan siya nito ay mabilis na pinigilan niya ito sa braso.
“Let’s talk. Please.”
Pinukol siya ng dalaga ng naghihinanakit na tingin bago nito hinila ang braso nito sa kanya. Pumasok
na ito. Mabilis naman siyang sumunod rito bago pa siya nito mapagsarhan ng gate. Datirati naman ay
malaya siyang nakakapasok ng apartment nito lalo pa at may sarili siyang susi. Pero napakaraming
nagbago nang dahil sa isang gabing kabaliwang iyon.
Naupo si Jake sa tapat ni Lea. Para bang pagod na pagod na isinandal nito ang likod sa couch at saka
pumikit bago siya sinenyasang magsalita na. Pero hindi niya kaagad nagawa. Napatitig siya sa
napakaamong mukha nito. His mother was half-Irish. That explained his foreign blood. Namana nila ng
kapatid ang kulay ng mga mata at buhok sa ina. His sister’s hair was blonde. Alon-alon rin iyon na
hanggang baywang nito. Ang kay Lea ay itim na itim at tuwid na lampas balikat nito. His sister was
tanned while Lea was fair. He was very much aware that the two were completely different people.
Ang kaharap niya ay si Lea. Hindi iyon maipagkakamali at kahit na kailan, hindi niya iyon naipagkamali.
Pero nasanay si Jake na tawagin ang dalaga sa ibang pangalan. Dahil iyon lang ang naiisip niyang
paraan para araw-araw ay makabangon siya. Para hindi siya makonsensiya o makaramdam ng galit sa
sarili na masaya siya sa piling ng iba matapos yumao ng nag-iisang tao na pinangako niyang iingatan
at pangangalagaan. That was the only way he knew to make his self believe that somehow, Leandra
was still there. That she was alive. And Lea reminded him of Leandra.
Parehong napakaaliwalas pagmasdan ng mga ito. They were both like a ray of sunshine. It was like
connecting two people in one. Lalo pa at napakalapit sa isa’t isa ng mga ito. At dahil naging abala si
Jake sa trabaho noon ay ilang ulit pang naging mas malapit ang kapatid niya kay Lea kaysa sa kanya.
It was foolish but he felt like Lea was his door towards Leandra. Sa pamamagitan nito, pakiramdam
niya ay unti-unti siyang nakakabawi sa ginawa sa kapatid.
Dahil alam ni Jake na hindi rin gugustuhin ng kapatid na pabayaan niya ang pinakamatalik na kaibigan
nito na sa pagdaan ng panahon ay naging pinakamatalik niya ring kaibigan. Ginawa niya ang lahat
para mapangalagaan si Lea lalo na at siya ang nagsisilbing parang guardian nito sa Maynila. Pero ni
minsan ay hindi niya naisip na kabaliktaran pala ang nagagawa niya. Na sa halip na mapangalagaan
ay nasasaktan niya na pala ito.
At ngayon ay sinira pa ni Jake ang kinabukasan ni Lea. He was the first man in her life. Nagtagis ang
mga bagang niya sa naisip. He felt like committing a crime to his sister. Tama ang dalaga sa ilang mga
sinabi nito noong araw na ipinagtapat nito ang totoo sa kanya tungkol sa mga naramdaman niya noon:
galit, pagsisisi at pagluluksa pero ang mga iyon ay nakadirekta lahat sa kanyang sarili. He was grieving
for the years of friendship that he ruined. He was grieving for her future that he ruined and most of all, Nôvel(D)rama.Org's content.
for the baby for having an asshole father like him.
Noon dumilat si Lea at humarap sa kanya. “What now?”
Muli ay napahugot si Jake ng malalim na hininga. Napakalapit lang nila ni Lea pero napakalayo na
ngayon ng loob nila sa isa’t isa. Ngayon niya lang nabasa ang sakit sa mga mata nito na bahagya pang
namumula na para bang kagagaling lang sa pagluha. Masyado siyang nagpakalunod sa pag-iisip sa
kapatid na hindi niya iyon napagtuunan ng pansin noon. He was so used treating her as his comfort
zone never knowing that she needed one, too.
Napuno ng kung anong emosyon ang kanyang puso. Ilang beses na kaya itong lumuluha nang dahil
lang sa kanya? Paano ba? Paano ba niya sisimulang pakibagayan ang mga pangyayari kung kahit siya
ay nalulula pa rin sa sitwasyon hanggang nang mga sandaling iyon?
His best friend was in love with him. Something happened to them and now… he will soon be a father.
Gustong makaramdam ni Jake ng tuwa. Isang napakabuting babae ang nagmamahal nang totoo sa
kanya. Magkakaroon na siya ng anak. A baby was something he had never thought of having before.
Pero heto at on the way na iyon sa buhay niya ngayon.
Pero hindi niya magawang pagtuunan ng pansin ang tuwa kung nag-uumapaw ang takot, pag-aalala,
at hapdi sa puso niya dahil sa biglaang mga pangyayari.
“Jake?”
Malakas na tumikhim si Jake. Inilabas niya ang biniling singsing kani-kanina lang. “Lea, will you…
marry me?”