Her Name Is Monique

CHAPTER 2: Finding Mystery Girl



(Prince)

"Saan ka ba galing, dude?" Bungad na tanong ni Renz pagpasok ko pa lang sa pinto ng tambayan namin. "Ang tagal mo."

"Bakit gutom ka na naman, Renz?" tanong ko.

"Palagi namang gutom 'yan, walang bago." sabat ni Vince.

"Hindi yan mabubuhay ng walang pagkain sa bibig." turan din ni Niko.

"Hoy! Tigilan niyo ako. Tara na kasi at kumain." reklamo ni Renz.

"Oh! Diba. Told yah." nakangising pang-aasar ni Vince sabay lundag sa sopa.

Napailing na lang ako. Dumeretso na rin ako sa sopa malapit kay Lance na gano'n pa rin tahimik at nagbabasa ng libro. Isinandig ko ang ulo at hinayaang pumikit ang mga mata. "Ano bang ginawa mo dude at late kang nakapunta dito?" tanong naman ni Niko habang nagreready ng kumain. Ako na lang pala ang hinihintay nila.

Napangiti na lang ako sa tanong niya. "Just somewhere."

"Teka, bakit ka nakangiti? Nambabae ka? Ipinagpalit mo na 'ko? Sumagot ka!" pag-iinarte ni Niko.

Dumilat ako at inambaan siya ng suntok. "Siraulo!" sagot ko saka umupo ng maayos. Tawa lang ang isinagot nito sa'kin.

"Alam mo Niko kadiri ka pero bagay sa'yo maging bakla. Siguro bakla ka talaga." singit ni Renz sa pagitan ng pagnguya nito. Akala mo ilang araw hindi kumain gutom na gutom. "Halikan pa kita d'yan, gusto mo?" maloko namang patutsada ni Niko.

"Mabalik nga tayo sa'yo pareng Prince. Babae ba?" tanonh naman ni Vince.

Napatingin ako kay Vince at Niko na may nakakalokong ngiti sa labi. Kapag babae talaga ang pag-uusapan mga walang pinalalagpas ang dalawang yan. Si Renz naman na puno ang bibig ng pagkain at si Lance na walang ibang gustong gawin kundi ang magbasa ngayo'y nakatingin rin sa'kin at hinihintay ang isasagot ko.

"Bakit bigla naging interesado kayo?" natatawang usal ko saka kumuha ng plato.

"Dahil ngayon ka na lang ulit ngumiti ng ganyan dahil sa babae."

"Tama." halos hindi maintindihan na sagot ni Renz, punong puno ang bibig.

"Ngumingiti naman ako sa mga babae. Sakto lang." depensang sagot ko.

"Dude, alam natin pareho na ang sungit sungit mo pagdating sa mga babaeng lumalapit sa'yo."

"Si Renz din naman."

"Bakla yang si Renz kaya 'wag mo siya intindihin." sagot nito na hindi binabalingan si Renz. "Aray ko. Aba't." nakasimangot na sagot ni Niko habang hawak ang batok na pinalo ni Renz saka binalingan nito ang may sala. "Sinong bakla, baka sapakin kita d'yan."

"Joke lang." natatawang turan ni Niko. "Hindi dapat sinusungitan ang mga babae, malalambot sila at dapat ingatan."

"Hindi sila dapat tinatanggihan."

"Ang mga salitang alam lang ng mga babaerong katulad niyo. 'Wag niyo kami itulad sa inyo." pambabara ni Renz sa dalawa na si Niko at Vince na tuloy pa rin ang kain.

"Hindi kami babaero. Marunong lang kaming mag-appreciate ng mga nilalang ni God." malokong sagot ni Niko saka umayos ng upo at tumingin sa'kin. "So, babae nga? Maganda ba? Sexy? Matangkad?" sunod sunod na tanong ni Niko at Vince. Mga babaero talaga.

Napangiti na naman ako nang maalala ang nangyare kanina sa music room. Hindi ko nakita ang mukha no'ng babae pero bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit ang saya 'ko? 'Kasi ninakawan mo siya ng halik.' sagot ng isang side ko. 'Hindi ko naman talaga binalak 'yun. Hiningi lang ng pagkakataon, 'yun lang 'yun.'

"Alam mo dude, sabihin mo na lang sa'min kesa para kang baliw na ngiti ng ngiti d'yan. Ang creepy mo." si Vince ulit.

Nilagyan ko ng pagkain ang plato ko. "Basta. Sa'kin na lang muna 'to. 'Wag kayong mga chismoso." sagot ko saka nag-umpisa ng kumain.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Damot!" "Haist!"

Natawa na lang ako ng umangal yung dalawa at kibit balikat lang ang nakuha kong reaction ni Renz at Lance. Sa mga ganitong pagkakataon mas okay kasama itong dalawa kesa kela Niko at Vince.

Matapos kong kumain, kinapa ko ang bulsa ko at inilabas doon ang panyo. Ngiting ngiti na tinitigan ko iyon. "Makikita rin kita." turan ko sa panyo na akala mo'y sasagot sa mga sinasabi ko. Baliw na nga yata ako.

Hinabol ko 'yung babae matapos niya akong takbuhan sa music room. Siya lang ang nakatagpo ko na hindi sinamantala ang pagkakataon na makilala ako. I mean hindi sa pagmamayabang pero sikat ako sa mga babae mula pa noong elementary ako hanggang ngayon na college na ako. Ewan ko ba, wala naman akong ginagawa para maging ganoon sila sa'kin, madalas sinusungitan ko pa sila pero nagkakagusto pa rin sila sa'kin. Siguro dahil mayaman ang pamilya namin at iyon ang ayoko, dahil sa pera kaya sila ganyan.

Hindi ko siya naabutan. Ang bilis nitong tumakbo at ang naiwan lang doon ay ang panyo nito malapit sa gate na ginamit nito pantakip sa ulo. Hindi siguro nito napansin na nalaglag nito iyon.

Na-curious ako sa pagkatao no'ng babae. Siya lang kasi ang lumayo at hindi nagbigay ng motibo sa'kin. Kung iba 'yun baka isiniksik pa no'n ang sarili sa'kin at iisipin na girlfriend ko na siya. 'Or baka plano niya 'to?' napaisip ako. 'Hindi kaya?' napailing ako. Hindi naman siguro. Let's see. Maghihintay ako bukas kung may magsasabi sa'kin na siya ang babae sa music room at ipilit na girlfriend ko na siya.

Inamoy ko ang panyo. Smells like lavender with rose fragrance na amoy baby. Ewan, basta mabango. Hindi masakit sa ilong at nakakaakit iyon. Napapangiti ako habang inaalala ang nangyare sa'min sa music room no'ng babae. Damang daman ko ang malambot niyang balat, ang mabango nitong buhok habang malakas ang tibok ng puso. Sayang dahil hindi ko man lang nakita ang mukha niya. Hindi ko man lang din nalaman ang pangalan dahil para siyang natakot na ewan. At higit pa doon napakaganda ng boses niya.

"Vince, may mga magagaling bang singer dito sa school?" baling ko kay Vince na ngayo'y nakapwesto sa kabilang sopa para matulog.

Kung si Ren matakaw sa pagkain ito namang si Vince matakaw matulog. Kahit saan nakapwesto yan basta inantok, tutulog yan.

Si Niko hindi ko alam kung saan pumunta. Pagkatapos kumain lumayas na. Panigurado nambababae na naman 'yun. Hindi 'yun makakatagal ng walang babae sa paligid.

"Bakit, kakanta ka na ulit?" gulat na tanong nito.

"Hindi ako. May magagaling bang kumanta na babae sa music department?" excited na tanong ko rito. Marami kasi itong kilala lalo na kapag babae. "Napaisip ito. Oo... marami."

"Alam mo Prince lalo akong naku-curious kung sinong babae ang nakaakit sa'yo."

"Sira!"

"Baka pwede mo akong matulungan."Têxt belongs to NôvelDrama.Org.

Napabangon itong bigla. "Pwede. Ano ba 'yun? Babae?" excited na turan nito habang nakangiti at itinataas baba ang kilay.

Parang nag-alinlangan tuloy ako kung sa kanya ba ako hihingi ng tulong para mahanap ang babae sa music room. Pero sa huli wala akong choice, siya lang kasi ang maraming kilalang babae bukof kay Niko at sobrang lapit sa babae. Bumuntong hininga ako saka ito tiningnan. "Tulungan mo akong mahanap 'yung babae na nakilala ko sa music room.

Malakas na palakpak ang isinagot nito sa'kin. "Cool ako d'yan. Kailan ba? Ano bang gagawin ko?"

"Magaling siya kumanta at mabango siya."

Napangiwi ito sa sinabi ko. "Lahat ng babae mabango, dude. Magkakaiba ang bango nila, pero kung magaling kumanta panigurado nasa music department siya. Describe mo kung ano ang itsura niya." Napakamot ako sa ulo at ngumiti ng alanganin kay Vince. "Hindi ko kasi nakita ang mukha niya."

"'Yun lang. Mahihirapan tayo n'yan, dude." palatak nito.

"Si Niko, maraming kilala sa music department, pero teka! Hindi kaya ginayuma ka no'n pareng Prince? Hindi mo nakita ang mukha niya pero naakit ka."

"Gagi! Totoo ba 'yun?"

"Di, joke lang. Ganito na lang, iisip ako ng plano kung paano natin mahahanap ang mystery girl mo. Sasabihan ka namin ni Niko."

"Salamat, dude." sabi ko naman dito.

'Sino nga kaya siya? What kind of person she is?'

Hindi ko mapigilan na ma-excite na mahanap siya at makilala.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.