Greek 1: The Alpha's Bride

Chapter 4: Kabanata 3



Chapter 4: Kabanata 3

Kabanata 3:

Daekiy Maltragi Siapled

_______

Clarity

"Anong ginawa mo Clary?! Bakit nagkaroon ka nang ganyang letra sa braso mo?!"

"Eh T-tita, wala naman po a-akong ginagawa--"

"Meron Clary! Ginalit mo siya!"

"S-sino po?"

Kanina pa talaga ako nawi-wirduhan dito kay tita Mildred. Nang umuwi ako sa bahay namin kanina

maayos naman ang pakikitungo niya sa akin, pero ng makita niya ang mga letrang nasa braso ko ay

agad umiba ang anyo niya.

Ano bang meron dito sa mga letrang 'to? Instant tattoo.

"W-wala. Hala, sige! Puntahan mo na si Blake sa kwarto niya."

"Eh Tita Miling, may dinner date po kami mamaya ng boss namin. Alam niyo naman pong nililigawan

niya ako diba?"

Biglang napatigil si Tita ng sabihin ko ang mga katagang 'yon. Totoo naman diba? Baka 'pag

tinanggihan ko si Sir Migz ay baka bumaba na ang pwesto ko sa kumpanya.

"Itigil mo 'yan Clary. Pinagseselos mo siya kaya nagkaroon ka ng ganyang letra. Binabalaan kita

Clarity, huwag kang dumikit sa mga lalaki."

Kanina pa talaga ako hindi makatulog dahil sa mga sinabi sa akin ni Tita kanina. Sino bang 'siya' ang

tinutukoy niya at parang pagmamay-ari na niya ako?

Kilala ko ba siya? Bakit niya ako kilala? Wala akong ideya.

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko nang may marinig akong katok sa pintuan ko.

"Sino 'yan?"

Imposible naman kasing si Blake dahil alas tres na ng madaling araw ngayon. Panigurado ay tulog na

'yon ng ganitong oras.

Nang wala akong narinig na sagot galing sa labas ay agad akong kinutuban. Sino yon? Paano siya

nakapasok sa bahay namin? Tumayo ako at dahan-dahang naglakad palapit sa pintuan.

Jeez! Sana naman hindi 'yan multo oh. Nako, baka mahimatay lang ako lord.

"Wala ba talagang tao diyan?"

Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan at wala akong narinig na kung anong ingay galing sa labas ng

kwarto ko. Guni-guni ko lang ba 'yon?

"Bulaga!"

Pagkabukas ko ng pintuan ko ay madilim na sala namin ang tumambad sa akin. Huh? Bakit walang

tao? Bakit madilim? Hindi ko naman pinapatay ang ilaw sa kusina ah? Baka multo!

"Huwag niyo kong gaguhin mga multo kayo. Inamers ka Valentine."

Yeah. I'm totally weird. Why? Dahil binibigyan ko nang mga pangalan ang mga multong naiisip ko.

Gawain ba yun ng matinong tao? Haha.

"Tss. Valentine ahh, huwag mo akong takutin--"

Napalingon ako sa paa ko nang may maapakan akong bagay. Nakakita ako ng pulang kahon kaya

agad ko yong kinuha.

To: My Beautiful Clary? Siya na naman ang nagpadala ng regalo sa dis-oras ng madaling araw?!

Seriously?!

Don't make me angry Clary. Daekiy maltragi Siapled.

-EKS/AK

Napakunot ang noo ko dahil sa sulat. So, EKS? Yung nasa braso ko? Iisa lang ba sila? Anong ibig

niyang ipahiwatig?

"Daekiy Maltragi Siapled?" banggit ko.

Napalingon ako sa anklet ko nang umilaw ang mismong puso at sa braso kong sumakit at gayon

nalang ang pagtataka ko ng mawala ang mga letra.

Ano 'yon? Anong ibig sabihin ng binanggit kong salita?

Agad akong pumunta sa table ko at binuksan ang computer ko. Kailangan kong malaman kung anong

kahulugan ng mga salitang 'yon! Hindi ako makakatulog kapag hindi ko nagagawa ang bagay na gusto

kong gawin.

Daekiy Maltragi Siapled

Pinindot ko agad ang enter ng mai-type ko nang buo ang salitang 'yon. Naghintay ako nang ilang

minuto dahil laging loading lang ang makikita ko.

Error? Bakit error? Wala bang meaning ang salitang 'yon? Kakaiba!

Binagsak ko ang sarili ko sa kama at tinitigan ang kisame ko. Ano bang nangyayari ngayong araw na

'to? Nagbabago na yata ako.

"Clary, may pasok ka pa ngayon diba? Papasok ka ba o hindi? Jusko kang bata ka, masama ba ang

pakiramdam mo?"

Nagmulat ako ng mata at nakita kong may dalang tray si Tita Mildred habang nasa gilid niya si Blake.

Tinignan ko ang orasan at nakita kong pasado ala-sais na. Hayy!

"Hindi po muna ako papasok Tita. Masama po ang pakiramdam ko."

"Ano ba yong ginawa mo at sumakit yang katawan mo?"

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Tita at nagtalukbong ako ng kumot. Wala akong sa mood para makipag-

usap.

"Ate, hindi mo po ba ako ihahatid ngayon?"

Tinignan ko si Blake at nakita kong magulo ang buhok niya kaya napangiti ako. Mana talaga sa akin

'tong kapatid ko. Kahit hindi magsuklay, gwapo pa rin.

Ginulo ko ang buhok ni Blake atsaka umupo, "Hindi na muna baby Blake. Masama pakiramdam ni ate."

Ngumiti ako kay Blake kaya nginitian niya rin ako. Ang cute talaga nitong kapatid ko, mana talaga sa

akin.

"Clary, saan galing 'tong sulat na 'to? Kailan mo nakuha?"

Napalingon ako kay Tita at hawak niya ngayon yung sulat na binigay sa akin ni Mister EKS.

"Kagabi ko lang yan nakuha tita. Galing po yan sa lalaking nagbibigay sa akin ng mga regalo.

Natatandaan niyo po?"

Nanlaki ang mata ni Tita sa sinabi ko at maya-maya ay ngumiti.

"May nangyari ba sayo Clary? Kagabi? Na misteryoso?"

Eh? Belonging © NôvelDram/a.Org.

"Opo tita. Umilaw po itong anklet na suot ko at nawala yung EKS na nasa braso ko."

"Bakit nawala yung EKS? Ano sa tingin mo ang ginawa mo?"

Ang weird ngayon ni tita. Kailangan pa bang tanungin ang bagay na iyon?

"Binanggit ko lang po ang salitang, Daekiy Maltragi Siapled."

Napalingon ako sa anklet na suot ko nang muling umilaw. Bakit 'pag binabanggit ko ang salitang iyon

ay umiilaw itong anklet?

"Tita, bakit umiilaw---"

"Pinapasaya mo siya Clarity."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.